Wednesday, May 26, 2010

Black Nazarene Festival



Black Nazarene Festival
Location: Quiapo, Manila
Date: January 9


The Black Nazarene (Nuestro Padre Jesús Nazareno) that has came all the way from Mexico through a galleon is a life-sized, dark-colored, wooden sculpture (carver is an Aztec carpenter) of Jesus Christ which has been known to be miraculous by majority of the people, especially its Filipino devotees. The black Nazarene is currently enshrined in the Minor Basilica of the Black Nazarene in Quiapo, Manila, Philippines where novena celebrations are held every Friday throughout the whole year. Roman Catholic tradition holds that the Black Nazarene came from a boat that caught fire, turning it from its original white into black or burnt complexion. For almost 200 years, the Black Nazarene is carried into the streets for procession in a "Caroza" or golden red carriage pulled through the streets of Quiapo by male devotees clad in maroon. Every 9th of January, the feast of the Most Holy Black Nazarene is celebrated while novena masses begin on the first Friday day of the year, in honor of its weekly novena mass held every Friday. This also celebrates the Translacion or the transfer of the image to its present shrine in Quiapo. The devotion to the miraculous Black Nazarene (Nuestro Padre Jesús Nazareno) has attracted huge following among the public. Its popularity, which initially spread to the northern and southern provinces of Luzon, spread over time throughout the country. Devotees pay homage to the Santo Cristo Jesus Nazareno by clapping their hands in praise at the end of every Mass performed at the Minor Basilica of the Black Nazarene. On its feast during January 9, people believed that whoever touched the Nazarene sometimes has been healed of their diseases. Catholics come from all over Manila for the chance that they will be able to get close enough to touch the image and perhaps even receive a miracle. Some devotees also throw towels or handkerchiefs to the people guarding the statue and ask them to rub them on the statue in anticipation of carrying some of that power away with them.
History of the Black Nazarene Festival

The Black Nazarene statue was brought to Manila by the first group of Augustinian Recollect friars on May 31, 1606. The image was originally housed in the first Recollect church in Bagumbayan (now part of the Rizal Park), which was established on September 10, 1606, and placed under the patronage of Saint Juan Bautista Saint John the Baptist.

In 1608, the image of the "Nazareno" was transferred to the second, bigger Recollect church dedicated to San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine). The Recollect Fathers dynamically promoted devotion to the Suffering of Our Lord represented by the image that in fifteen short years, the Cofradia de Santo Cristo Jesús Nazareno was established on April 21, 1621. The confraternity obtained Papal approval on April 20, 1650, from Pope Innocent X.

Sometime in the year 1787, then Archbishop of Manila, Basilio Sancho de Santas Junta y Rufina, ordered the transfer of the image of the Nazareno to the church in Quiapo, again providently placed under the patronage of Saint John the Baptist. The Black Nazarene made a lot of miraculous things. These are the survival of the image from the great fires that destroyed Quiapo Church in 1791 and 1929, the great earthquakes of 1645 and 1863, and the destructive Bombing of Manila in 1945 during World War II. Today the head and the cross stay on the Altar Mayor of the Minor Basilica, and the original body image of the Black Nazarene is used in the processions. Other, even smaller replica can be found in other churches.

PISTA NG ITIM NA NAZARENO

Tuwing ika-9 ng Enero, ipinagdiriwang ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila. Dinudumog ng mga tao ang santong patron ng Quiapo, ang Nuestro Padre Nazareno, na dinala noong siglo 1800 ng Ordeng Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda.

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay isang imahe ni Kristo na kasing-laki ng tao, may maitim ang balat at nililok ng isang Aztec na karpintero at binili ng isang paring taga-Mexico noong panahon ng Galleon Trade.

Ang mga deboto ng Itim na Nazareno ay nagsisimba tuwing Biyernes at tuwing Enero 9, ipinagdiriwang ang kapistahan ng santong patron, kung saan itinuturing ito bilang isa sa pinakamalaki at tanyag na kapistahan sa Pilipinas.

Kasaysayan

Ang estatwa ng Itim na Nazareno ay dinala sa Maynila ng mga pari mula sa Augustinian Recollect noong Mayo 31, 1606. Ang imahe nito ay inilagak sa unang simbahan ng Recollect sa Bagumbayan (na ngayon ay parte na ng Rizal Park), at pinasiyahan noong Setyembre 10, 1606.

Noong 1608, ang pangalawang pinakamalaking simbahang Recollect na inihandog kay San Nicolas de Tolentino (Saint Nicholas of Tolentine) na natapos sa loob ng Intramuros (kung saan nakalagak ngayon ang gusali ng Manila Bulletin) at ang imahe ng Nuestro Padre Jesús Nazareno ay inilipat dito. Ang mga pari ng Recollect ay patuloy na isinulong ang debosyon sa Paghihirap ni Hesus sa pamamagitan ng nasabing imahe. Makalipas ang labinlimang taon, nabuo ang Cofradia de Jesús Nazareno at itinatag noong Abril 21, 1621. Nakatanggap ito ng Papal approval noong Abril 20, 1650 mula kay Pope Innocent X.

Noong 1787, si Basilio Sanco Junta y Rufina, ang Arsobispo ng Maynila ay nagutos na ilipat ang imahe sa Quiapo, sa ilalim ng pagtaguyod kay Saint John the Baptist.

Ang imahe ng Nazareno ay naisalba sa iba't-ibang kalamidad at digmaan tulag noong nasunog ang simbahan sa Quiapo noong taong 1791 at 1929 gayun din ang lindol noong 1645 at 1863 at ang pambomba sa Maynila noong 1945 noong panahon ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan.

Noong 1998, isang replika ng orihinal na imahe ng Itim na Nazareno ang ipinarada dahil sa pinsalang nakamit ng orihinal na imahe at mula noon, ginamit na ito sa mga prusisyon habang ang orihinal na imahe ay nanatiling nakalagak sa loob ng simbahan. Ang iba pang maliit na replika ng imahe ay matatagpuan sa loob ng simbahan.

Debosyon

Ang debosyon sa Nuestro Padre Jesús Nazareno ay nakahatak ng milyun-milyong mga deboto kung saan nagmula ang katanyagan sa timog at hilagang bahagi ng Luzon at unti-unting lumaganap sa buong bansa.

Ang katangi-tanging debosyon na ito ng mga Filipino sa Itim na Nazareno ay nakapagbigay ng karagdagang papuri mula sa dalawang papa: sina Innocent X noong 1960, sa pagkakatatag ng Cofradia de Jesús Nazareno at Pius VII noong 19th century, sa pamamagitan ng pagbibigay ng indulhensya sa mga nagdadasal sa imahe ng Itim na Nazareno.

Sa kasalukuyan, ang debosyon sa Itim na Nazareno ay patuloy na nagbibigay ng sigla at kapayapaan sa mga deboto sa kabila ng mga sakit, galos, sugat at kung minsan ay kamatayan na nagaganap tuwing prusisyon, at tila 'di inaalintana ng mga deboto.

Mahigit 200 taon nang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Mahal na Poong Nazareno at ang estatwa nito ay inilalagay sa isang karwahe tuwing Enero, gamit ang makapal na lubid at ipinaparada sa mga kalye ng Quiapo ng mga debotong lalaki na nakasuot ng kulay maroon. Ang mga Katoliko na nagmula sa buong ka-Maynilaan ay sama-samang dumadayo sa Quiapo upang makakuha ng pagkakataong mahawakan ang imahe o di kaya ay magkamit ng isang milagro. Naghahagis din sila ng tuwalya sa mga lalaking nakabantay sa estatwa ang hinihiling na ipunas ang kanilang tuwalya sa estatwa sa pag-asang madala nila ang milagro sa kanilang pag-uwi.

No comments:

Post a Comment